Ang kagandahan ng kalikasan ay tunay na yaman, ang sariwang hangin ay sarap langhapin. Mga huni ng ibon ay kay sarap pakinggan, mala kulay berde na kapaligiran. Mga batis na kay linaw pagmasdan, tunay na kaakit-akit sa mga matang maririkit.
Ang tirahan ng mga hayop ay ang ating kagubatan, mga matatayog na puno na kay sarap pag masdan.Ang mga isda sa ilog ay nagsisispag languyan. Ang mga punong kahoy ay kay raming pakinabang lalong lalo na sa sanlibutan. ngunit kung mawawala ito mahirap na itong palitan.
Lunes, Pebrero 6, 2017
Mga Tanawin Sa Kapatagan
Ito ay sa kapatagan dito rin matatagpuan ang Mt.Apo na sinasabing pinaka malaking Bundok sa bansa .May likas na yaman sa Kagubatan dahil marami itong mga puno ,sinisigurado nito ang kalinisan at manatiling malinis ang kapaligiran